Duterte: 'Hindi kami nangurakot kailanman. Trabaho lahat para sa Bayan'

Umapela si dating Pangulong Rody Duterte sa kapwa niya Dabawenyo na bigyang suporta ang kanyang kandidatura para alkalde ng lungsod ng Davao sa darating na 2025 elections.

Diin at paliwanag ng dating Pangulo, maayos ang kanilang pamamalakad sa lungsod, at hindi kailanman nangurakot ang pamilya Duterte, kaya't mainam na suportahan silang subok na sa serbisyo sa susunod na eleksyon.

"Tumakbo akong pagka-mayor ulit kaya umayos kayo, at ang anak ko si Baste ang vice mayor. God forbid magkasakit ako, mamatay ako, Duterte pa rin ang mayor ninyo," ani niya.

Wag ninyo iwan ang mga Duterte dahil ang mga Duterte, hindi kayo iniwan kailanman... Bakit ninyo kami papalitan? Wala naman kaming ginawang masama sa inyo, hindi kami nangurakot. Trabaho lang lahat para sa lipunan," kanyang sambit ito nitong Disyembre 25 sa ginanap na Pahalipay sa Pasko-Gift Giving event sa Davao City.

Katunayan, ayon sa latest financial report ng Commission on Audit (COA), isa ang lungsod ng Davao sa pinakamaunlad na lugar sa bansa sa taong 2023. Nanatili din ang lungsod na 'debt-free', testamento sa maayos na pamamalakad ni Mayor Baste Duterte.

#pdp #solidpdp

image