“WALA NANG BANSANG TUTULONG SA ATIN!” — Barzaga, banat sa Palasyo matapos tumangging humingi ng foreign aid

Matapang na kinuwestiyon ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang pahayag ng Malacañang na hindi na kailangan ng Pilipinas ng tulong mula sa ibang bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino.

Ayon kay Barzaga, tila nawawala na ang tiwala ng ibang bansa sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Wala nang bansang tutulong sa atin, alam nilang nanakawin lang ni Marcos ang ipapadala nila,”
— pahayag ni Barzaga.

Ang kanyang komento ay tugon sa sinabi ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro sa press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Nobyembre 6, kung saan iginiit nitong hindi kailangan ng foreign aid.

“Wala po na call for any foreign assistance dahil sa ngayon po, mayroon pa po tayong pondo para sa ganitong mga klaseng sitwasyon,”
— ani Castro.

Dagdag pa ng opisyal, may mga quick response funds at Local Government Support Funds ang gobyerno para tulungan ang mga LGUs na naapektuhan ng kalamidad.
#barzaga #marcosadmin #bagyongtino #maypondotayo #malacañang #pco #foreignaid #philippinepolitics #viralnewsph

image